Thursday, November 15, 2007

JEEPNEY (Ikalawang Bahagi)

Ikalawang Bahagi

Itinaas ko ang aking kanang kamay sa daan, at tumigil sa harap ko ang isang makulay na jeepney. Sumakay ako agad dahil nagbabadya na naman ang mga nag-iitimang ulap. Parating na maya-maya ang ulan na siya muling susubok sa liksi ng aking katawan. Sumakay ako, sabay ng labing-pito pang mga pasahero na sumilong sa panandaliang paraisong ito.

“Manong, bayad ho,” sambit ko habang inabot ko ang anim na pisong nahagilap ko sa aking bulsa. Kinuha ng katabi ko ang bayad ko sabay alok sa palad ng drayber.
Naghihintay ako ng barya, ngunit walang dumating.

“Manong, ‘yung – ” Naalala ko. Anim na piso lamang pala ang binayad ko. Sakto lang. Wala nang dahilan para maghintay ng kung ano. Habang nahihilo sa aking sariling kamangmangan, napatingin ako sa ibang mga pasahero.

May isang babae sa kabilang upuan na nagbubuklat ng kanyang libro. Naalala ko, iyan din yaong inaaral ko noong mga panahong sumisigaw ang aking tiyan sa gutom. Natawa lang ako, hay, first years talaga. Hiniling ko na lang n sana ay pumasok sa utak niya ang mga letrang nakikipagsabayan sa indayog ng sasakyan.

Sa tabi ko naman, nilabas ng isang lalaki ang kanyang iPod. Iniangat niya ito, at inikot niya ang kanyang hinlalakisa sa harap nito, at kanyang ibinulsang muli. Rinig ko ang musika na nagmumula sa tainga niya na may nakasabit na puting earphone. Naisip ko na lang kung bakit kailangan pa niyang makinig sa musika gayong pare-pareho na kaming mahuhuli sa klase. Patawarin ako’t sa palagay ko’y ipinagyabang niya lamang ang magara niyang kagamitan na alam ng lahat ay mahal. Tinitigan ko ang mukha ng lalaki. Lagi ko pala siyang nakikitang bumababa sa amin, may puting earphone. Taga-Carillo din pala, pangupahang bahay ng may-kaya o mga taong gaya ko na tinamad lang maghanap ng mura.

Sa kanan ko’y isang babaing kanina pa naghahabulan ang daliri sa kakapindot sa kanyang Nokia N73. Pangiti-ngiti pa ito na parang nang-aasar. Hay! Sa inis ko, nilabas ko na lamang sa aking bag ang isang lulumaing libro na hiniram sa kaklase. Susubukan kong gayahin si Ading na nagbabasa ng Microbiology. Iba naman sa akin, mas malaki pero pareho din ang may-akda, para sa mga second years.

Nagkukwentuhan naman sa harap ko ang tatlong babaeng kanina pa dada nang dada tungkol sa iba’t ibang mga bagay – mula sa cellphone, hirap nila sa Ana-Physio, boyfriend, damit at pati tokneneng ni Aling Eunice sa harap ng waiting shed sa amin. Naglalaro na naman sa isip ko ang pag-asang maaari silang mag-host sa isang talk show. Sa tabi nila ay isang babae na mukhang mambabarang dulot ng sobrang kapal niyang eyeliner. Inisip ko na lamang na paraan niya lahat iyon upang maipadama ang sarili.

Napansin ko rin sa linya sa kabilang linya ang magkasintahang bihasa sa pakikipag-PDA. Halik dito, haplos diyan. Ang ibang mga pasahero pa tuloy ang naiilang para sa kanila.
May mga ilan-ilan ding magugulang na nakisakay sa jeepney ng mga bagets. Isa rito ang ale na may kandong na bata. Ang isa may balak atang manigarilyo.

Tumirik ang sasakyan. Naghihintay ang drayber ng mas marami pang pasahero. Nainip ako. Parang tumigil rin ang pag-andar ng buhay ko at parang wala na kong mararating, maabutan. Bakit kailangan niya kaming idamay sa paghahanap-buhay niya? Mahuhuli na kami sa klase! Uminit bigla ang ulo ko, ngunit napalingon na lamang ako sa iba pang pasahero na parang hindi alam ang nangyari. Napaisip ako.

Sa dinami-dami ng tao sa siyudad, nagtaka ako kung bakit pinagtagpo ang labin-walong tao sa isang makulay na jeepney sa ganitong araw sa ganitong klaseng oras. Parang kakaiba, sapagkat pinagbuklod nga kami, ‘di naman kami nag-uusap. Ngunit inakala ko na sa kadalasan kong pagsakay sa nga sasakyang pampubliko, wala akong matutunan. Nagkamali ako. Ang tangi ko lang dapat gawin ay makinig sa ugong ng buhay, at hayaang tangayin ako nito sa aking napiling destinasyon.

Nagsibabaan na sa Gate 3 ang halos kalahati ng mga pasahero. Napagtanto kong iba iba pala ang destinasyon ng bawat nilalang dito sa mundo. Mayroong nauuna, mayroon ding nahuhuli. Isa ako sa mga nahuhuli sa pagdating sa aking paroroonan. Batid ko ‘di ko pa naaabot ang aking mga pangarap, at mahaba pa ang babaybayin ng jeepney ko. Marami mang lubak na daan ang masagasaan ko, iindahin kong lahat ang mga ito kahit gaano kasakit ang dulot nitong kalog sa utak, puso at bulsa ko. Kaunting tiis pa.

Umandar muli ang jeepney. Nagbuga ito ng maitim na usok na siyang dulot ng masaklap kong karanasan sa buhay. Iiihip ito ng hangin at aangat ito sa tugatog ng kalangitan upang malaman ng Diyos ang mga hinagpis na matagal ko nang nadarama. Hiling ko’y madinig ito ng mga anghel sa langit, at ulanan ako at ang pamilya ko ng grasya.

Lumiko ang sasakyan pakanan, at humampas sa mukha ko ang malamig na hanging nagmumula sa silangan. Sa palagay ko’y hinaplos ako ng lamig upang mamanhid ang katauhan ko sa mga darating pang karayom na tutusok sa akin. Niyakap ko ang sarili. Sumikat na ang araw ngunit ‘di ko ramdam ang init nito sapagkat nakaharang ang mga ulap. Patuloy ang jeepney sa paglakbay sa makabayang kalye, lubak-lubak.

Kadalasan, nakikita ko sa bintana ng jeepney ang mga taong piniling maglakad. Ganoon din ako dati. Ngunit, kasalanan ko bang may maipon akong anim na piso at sila wala? Kasalanan din ba ng katabi kong mahirap ako at siya mayaman? Nadarama kong ayoko nang manatili sa sasakyang ito. Nasasakal ang utak ko sa kaiisip sa mga nagaganap sa aking paglalakbay.

“Manong, para.”

Sa tingin ko ba’y narating ko na ang destinasyon ko? Hindi. Umapak ako sa mamasa-masang aspalto at dali-daling tumakbo sa silungan. Umugong na muli ang jeepney at umalis. Mula sa oras na ito, maglalakad na muli ako, ang putik tatalsik sa aking likuran. Wala na akong magagawa pa. Kung susubukan kong linisan ang mga talsik sa luma kong pantalon, mababasa ako sa ulan at higit akong masasadlak. Parang sa loob ng jeepney, kung susubukan mong kausapin ang katabi mo na ‘di kakilala, mapapahiya ka lang.

Ang jeepney nga naman. Makulay, maingay, pahinto-hinto, dumadaan sa kung anong daan, parang buhay ko.

SALA (Unang Bahagi)

Unang Bahagi

            Ramdam ng aking mga paa ang bigat ng pasanin ko. Dala-dala ko ang malaki kong Hawk Bag na binili ko pa nu’ng hayskul. Laman nito ang librong nahiram ko sa Charles Vath Library. Huli na naman ako sa pagsauli ng libro; madaragdagan na naman ng tatlumput-apat na piso ang matrikula ko.
            Nasa Assumption Road na ako sa tapat ng UB nang may nalanghap ang aking malangis na ilong. Nananawag ito, nang-aakit at nanghahalina— ang amoy ng nilulutong hamburger.
            Akmang bubuksan ko na ang bakpak ko nang bigla kong naisip — wala akong pera, kailangan kong magtipid. Kaya nga ako naglalakad pauwi mula sa tugatog ng Gonzaga 401 hanggang sa kailaliman ng isang pangupahang-bahay sa Brookside. Pero sanay naman na ako. Sa katunaya’y nagkaroon na nga ng muscle build-up ang dating payat kong mga hita.
            Nagpatuloy ako sa paglalakad.
            “Renz, hintay!”
            Napalingon ako sa direksyon ng tinig at nakilala ko iyon bilang si Derry.
            “O Derry, ikaw pala! Saan ka pupunta?”
            “Sa Accounting Office,” sambit niya. “Magbabayad na kasi ako ng tuition. Bibili na rin ako ng Libro para sa Chemistry.Required tayong magkaro’n ng gano’n di ba? Eh ikaw? Sa’n ka pupunta?”
            “Ah wala. May gagawin lang ako sa White and Blue office,”palusot kong sagot.
            Napangiwi si Derry sa sagot ko. Nguniy hinayaan na lang niya ito at nagpaalam na siya sa akin.
            Nalungkot ako sa mga binanggit niya. Gusto kong mainggit. Hindi! Naiinggit na ako! Buti pa siya. May pambili ng libro at may pambayad ng matrikula. Eh ako? Hiniram ko lang ‘yung libro sa dating kaklase, at hindi pa nagpapadala ng pambayad ng tuition atallowance si Mama. Gusto ko ring mainis sa mga magulang ko. Minsan, naisip ko nga kung bakit kami nagkaganito, kung bakit walang laman ngayon ang itim kong pitaka. Tadhana ba ito o likha ng aming gawa?
            Senior High School pa lang ako noon. Nagsimulang umikot ang gulong ng buhay ng pamilya nang nagbalak si Daddy na mangibang-bansa. Taglay niya noon sa kanyang mga mata ang pananabik na matupad ang mga pangarap naming unti-unting tinatangay ngayon ng hangin.
            “Rency, ania manen ti awag mo’t kwarta ti Saudi? (Rency, ano ba ulit ang tawag no sa pera ng Saudi?),” masayang itinanong sa akin ng aking ama.
            “Riyal, deh.”
            “Diay Jordan ngay? (Sa Jordan ay?),” hirit niya.
            Ganito kami mag-usap kami kadalasan. Kapag ini-Ilocano ako, Filipino ang isinasagot ko.
            “’Di ko na alam, Deh. Ba’t mo ba kailangang mag-abroad?”
            “Kit agkolehiyokan. ‘Di ka’y mapag-adal mo nu furnituringlaeng ubraek. Nursing pay ti kursoyo nga duwwa.(Magkokolehiyo ka na. Hindi ko kayo mapag-aaral ‘pag furnituring lang ang trabaho ko),” paliwanag niya.
            Halatang nagtaka siya sa sagot ko. Nasanay kasi siyang sinasagot ko lahat ng tanong niya. Halos alam ko daw kasi lahat. Nilipat ko ang tsanel ng kaharap kong telebisyon nang biglang may sinambit siya.
            Renz, nu adadiayak abroaden, aggaggagitkayo, ah? Tarakinenyo nga nalaeng ni Inang ken ni Mamayo. (‘Pag nasa abroad na ako, magsisipag kayo ah? Alagaan niyong mabuti si Inang at ang Mama niyo.).”
            Napailing na lamang ako sa kakornihan niya. Patuloy ang buhay.
            Lumipas ang maraming buwan ngunit ‘di pa rin nakakaalis si Daddy. Ganoon pala ang may kapamilyang mangingibang-bansa. Mababaon ka sa sandamakmak na loan o utang. Nagrereklamo ako dahil hindi ko na nakukuha ang mga gustuhin ko.Nadarama ko na noong mga panahong iyon ang mga putik sa paa ko. Gusto kong tumalon paalis ngunit sa pagtalon kong iyon lalo akong bumaon.
            Lumipas na rin ang aking graduation, ang bakasyon, at ang pasukan namin sa kolehiyo. Ngunit nasa bahay pa rin si Daddy, naghihintay, naghihintay, naghihintay…
            Agosto 12. Intramural noon at siya ring pag-alis ni Daddy papuntang Abu Dhabi. Masayang-masaya ako noon. Simula na ng pag-angat ng aming buhay. Ipinaaalala ko noon kay Daddy sa tawag ang mga dapat niyang bilhin para sa akin.
            Hayun! Ang inakala kong pag-angat ay ang simula pala ng pagbagsak ng buhay at paglitaw ng mga pagsubok naming magpapamilya. Ngunit patuloy pa rin ang buhay, sa pagsapit ng ikalawang semestre.
            “Wow, Renz! Ang tataas ng grado mo!”
            “Pinaghihirapan ‘yan. Mahirap ang buhay eh.”
            “Ang hirap kasi masyado ng subject na ‘to. Phisti!”
            Sumingit sa usapan ang isa ko pang kaklase. “Hoy Renz! Magbayad ka na ng tiket!”
            Nagulat ako at nalungkot. Masasayang na naman ang araw-araw kong pagtitipid. Maglalakad na naman ako pauwi. Pero kailangan ko kasing bumili niyon; akmang pandagdag sa grado. Kailangan mag-aral ng mabuti. Kailangan talaga. Kung hindi, saan na lamang kami pupulutin?
            “Ah, bukas na lang, pwede?” pakiusap ko sa naniningil. Alam niyang wala talaga akong maibabayad kaya hinayaan na lamang niya ako.
            “Uy, tara sa SM mamaya. Naubusan na kasi ako ng stocks sa apartmentko,” bulalas ng taong masa likuran ko, halatang may kausap.
            “Okay, sige! Sama ako. Bibili na rin ako ng chocolates pati mga damit sa Penshoppe at Kamiseta,” sagot ng kausap.
            “Kita tayo mamaya, after classes siguro. Kailangan ko pang i-encode ‘yung sandamakmak na requirements na ‘yan. Naubusan na rin ako ng load,” sabay pakita ang magara niyang selfon na binili pa raw niya sa kung saang lugar na wala akong pakialam.
            Napagtanto kong nagpapayabangan ang dalawa. Hay, gusto ko na namang mainis. Hindi lang nila alam kung gaano sila kapalad sa kalagayan nila sa buhay, na may isang tao sa harapan nila na halos mamuti ang mga mata kakaisip kung may padala bang darating. Hindi ko lubos maisip kung bakit may gana pa silang pakainin ang luho nila eh wala pa naman silang trabaho. Nagpatuloy na lamang ako sa aming talakayan ukol sa grado dahil doon ako bida.
            Pagkatapos ng klase, dumiretso ulit ako sa Main Campus para mag-shortcut pauwi. Nasa kampus na ako nang naisip kong tumambay muna sa White and Blue office.
            “Hello Renz. ‘Yung article mo?” bulalas ni General.
“Nasa computer na. Noon pa ‘yun, ah.”
            Biglang pumasok si Ate Anne na kagagaling lamang kumain sa kantina. “Sino’ng gustong pumunta sa Forest House mamayang gabi?”
            Halos lahat ng kamay sa opis ay nagsitaasan maliban sa akin at sa isa pang miyembrong may inaatupag sa computer.
            “Oh Renz, ‘di ka sasama?”
            Mag-isip kaagad ako ng palusot. “Madami akong kailangang tapusin sa bahay.”
            Narating ko na ang apartment namin. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang lumantad sa pintuan ang isang payat na babaing nag-aaral ng medisina sa  SLU— si Ate Roma. Isa siya sa mga nangungupahan doon at siyang umaasta bilang tagapamahala ng mga bayarin.
            “Bukas na ang bayaran ng tubig, kuryente at pati boardingngayong Nobyembre. Pakisabi na lamang sa Ate mo na magbayad na lang sa ‘kin,” paalala ni Ate Roma na tila nanghuhulang ‘di na naman kami makakabayad “on time”.
            “Oh sige, Ate. Sasabihin ko.”
            Sa kuwarto, sinalubong ako ng ate ko na tila may banta ng isang masamang balita. Nangingiyak siya at may kunot sa kanyang noo.
            “Renz, si Daddy!”
            Diyos ko! ‘Wag naman po sana. Iyan ang biglang nasabi ko sa isip.
            “Anu’ng nangyari kay Daddy?”
            “Naiinis na ako. Hindi pa siya nagpapadala. Dalawang buwan na siya ro’n!”
            Natulala ako. Parang hinalo ang laman ng bituka ko. Hay, hindi pa rin ba ako sanay? Noon pang Hulyo ang kalbaryo naming ito. Nagpatuloy si Ate.
            “Tapos sinisingil na tayo dito sa boarding. Wala tayong maipambabayad!”
            “Ano ngarod ang gagawin natin? ‘Di naman ako pwedeng magtrabaho dahil sobrang dami ko nang ginagawa.”
            “Isa pa pala. Si Daddy, niloko ng agency si Daddy. Hindi pala working VISA yu’ng hawak niya. Tourist VISA lang pala. Kaya bawat dalawang buwan, kailangan niyang mag-exit para ma-renew daw ‘yung VISA niya. Kaya ‘yun. Imbes na siya ang magpadala, tayo pa ang magpapadala. Kawawa na si Mama na nangungutang kung saan-saan! Pati sa mga co-teachers niya sa School, nautangan na niya!”
            Marami nang gumugulo sa isip ko. Mga gawain sa eskwela, mga pagsasanay para sa Dance Troupe, problema sa pera, pag-iisip sa kalagayan ni Daddy sa Abu Dhabi at ang naiwan kong pamilya sa Quirino, at daragdag pa ito! Nakapagtatakang nagkakasya lahat ito sa isip ko. Nararamdaman kong malapit na itong sumabog at magpirapiraso.
            Nag-init ang tainga ko sa narinig kong yaon. Nais kong sumigaw at magwala. Gusto kong sugurin si Daddy sa kinalalagyan niya dahil sa kakitiran ng utak niya sa mga panahong pinagsabihan namin siya ukol sa mga maaaring mangyari. Hindi siya nakinig. Tanging nasa isip niya ang makapangibang-bansa. ‘Yan tuloy! Parepareho kaming nagdurusa.
            Nanlata ang buo kong katawan! Sadyang pinutol ng lintek na tadhanang ‘yan lahat ng mapagkukunan ko ng lakas. Malapit na akong bumitaw sa mga tinik na pinagbibitinan ko. Tama na! Ayoko nang mag-isip! Gusto ko nang lunurin ako ng tulog, lamunin ng kung ano…
            Kinuha ko na ang aking kudson mula sa kwarto nila ate at inilapag ko iyon sa malamig na sala ng bahay. Doon ako natutulog. Hindi ako maaring matulog sa kanilang kwarto sapagkat iyon ang kahilingan ng kasilid ni Ate.
           Lumalalim na ang gabi at tinatawag na ako sa mundo ng panaginip, kung saan walang mahirap, walang mayaman, walang katotohanan, puro kawalan. Pangarap nga naman.

daddy

October 18, 2007 – I have been walking this long time now, and I’ve grown tired. I almost want to quit. My pocket is screaming from hunger and I can do no more than hear its rumble. I am desolated by time and worthless experiences of mockery and doom. The world seems listening to my pleas, yes. It enjoys hearing my agonizing cries for salvation from this hell-stricken state of mine.

One year had passed, and the promise Daddy left us did not take its form. I was waiting, hoping even until now. He grew to be so clumsy that even our advices wouldn’t matter anymore. All that was on his mind was to get that ticket and flee somewhere to the other side of the world, thinking he would best be able to suffice our growing needs. He said he was only wishing to give us what we want, so we could love him more. He was wrong.

One year had passed. He is suffering the heat of his new place, and so are we. He got his ticket of foolishness for not listening to our counsel. What he said of him granting what we want was a hoax, not even our needs could he suffice. Instead of him remitting fruits from abroad, it was us who even sent him trees! He went away leaving behind our house and lot on the back vault, letting us sink into the sea of debts. The muffle of our pockets began.

I remember myself eating the most expensive of all candies when I was seven. Daddy, Mama and my siblings would pay a trip to the City so we can see the elephants and giraffes. I was as innocent as my age could be, unlike now – where my brain could perceive all the problems that face me, and it hurts. I wish I could regress to my haven of faultless memories.

But it is too late. I cannot escape this reality. The winds are blowing our dreams like a paper left on the window. Daddy has given me a taste of dust that I never hoped. I could feel my feet touching filth of mud that the raging storm created. And again, my pocket rumbled. How can he let this happen to the five of us? I pity Mama knocking door-to-door importuning like beggars to scrounge for a piece of our neighbor’s wealth.

I wanted to blame him like what he did seven years ago. Such infidelity would be unforgivable but we pardoned him and let time take its course. And now, a greater trial is set forth, and he’s to blame!

He’s like that Someone who made all kinds of promises within a book. He was revered by many, but he left this world to watch sin and evil engulf us all. We send him fruits and petitions, but his answers were never relevant. He never wants to leave that tall edifice and that high-reaching abode above the zenith. Does he answer our calls, my mother’s pleas? No. I often see Mama kneeling so hard in front of our altar at home, where she would wait until the candles burn out to death. And what do we get? Nothing.

They’re almost the same – He and Daddy. It’s my time to move. Tomorrow, I’ll put on my best clothes. Tomorrow, I’ll try to convince him, tell him he was wrong for forsaking us. Tomorrow, I’ll battle with him with words and see how well it will work. And tomorrow, eyes shut, knees bended, fists clutched together, I’ll place a bet with God.

Thursday, May 17, 2007

The Flavor of May

Today’s month of May has been to me a very wonderful month! It’s way so full of surprises. It has given me so much realization that I only recently have known. Things turn out to be damn good shockers!

First, I have dug deeper into the inner self of my ‘beloved’. It has kept me going on. Though so much problems imbibed into my life this month, I have overcome that in an intrincate way. Thanks to my friends!

I am definitely enjoying my Strategies for Health Education subject. Ma’am De Castro is so much of an effective teacher. She motivates us in this totally encompassing manner! Haha! Well, I really feel like I’m a nurse. This subject kasi combines the 2 of my most beloved courses: Nursing and Education. It has long been my dream to teach but at the same time become a health care practitioner! Awww!

I enjoy this summer term because it alwasy keeps me liked with my friends. After classes, we always go out and walk around Session Road or at SM. We are regular visitors at Qantum! We spare so much time in the night! Haaaaay! Friends! Can’t live without them!

THere is just one event that bothers me, but in fact I don’t really care… We were ordering our food at the Saint Martha food court, when Dea approached our table. She related to us that she overheard something near their seats. She claims that she heard someone (a BSN 1 student for quota’s sake!!) claim, "Hmmp, DL Number 1 nga, cheater naman!"

Duh! I mean duuh! That issue was like sooooooo yesterday! C’mon girl! "Ako nga naka-move-on na sa cheating gossip na ‘yan ’bout sa ‘kin, tapos siya she keeps on telling it to everybody!" My advice to you whoever you are is to GROW UP! Forgive me but i must assume you’re INSECURE! Oops, sorry! Can’t help but giggle, hehe.

One thing I learned about that incident is to never give a person a splash of hot boiling soup in fornt of many people. He/she might call back up, maybe even his/her inni minni mommy! Just kidding. Well, honestly speaking, since I got that 15 minutes of fame for landing on the cursed DL position, I can do nothing but enjoy the good things out of it. Sorry for me because I never expected someone would shout "cheater" to me at session road, or rather the whole population of CON would stare ominously at me! The PROBLEM’s NOT IN ME, it’s IN THEM! YOu wanna know what that problem is? It’s CRAB MENTALITY!

Duh again and duh some more!

Well well well, you can’t please everybody!

Passers-by will look at the tree with many fruits! Pardon me but that tree is me!
—(rEnZ)—

just being me!

Monday, February 12, 2007

Unforgotten

They say time heals all wounds. I’d rather say, time wounds all healings.

There came a notice to me from a long lost "friend" I considered to be "gone"— out of mine.
But the heck has driven me to near remembrance of the past.

And the other friend— he has left into me with another mind-boggling question.

Yes, Time really is powerful. But not powerful enough to succumb the restless hearts of the world. We’re all trying to find a way home. As for me, I’d lost that home. BUt pity me, I never even had that home for even a second. I was like the burglar who prowls its insides trying to, trying to, trying to…. do nothing…

How love has ripped every piece of me. And how she un-held the fragile glass that I was.
"Mend the broken crippled man. Heed to the sentiments. Cradle to my calling. Dig me deep, my forever dream."

Thursday, February 1, 2007

Instant Fame

FEBRUARY 2007
Just last Tuesday, January 30, I received a message from Ferry saying something "incredibly incredible!" My wits began to shake as I started to find the truth. I immediately went to the Multimedia Library,, and there I’ve found out that I was the first Dean’s Lister.

To everyone’s sake, I am not boasting for that title whatsoever. It just so happened that certain circumstances flocked the then distorted scene.

And yeah, I’m DL Number 1. Enough of that. It’s just my reward for all the efforts I’ve exerted last semester. I’m now just reaping it. Thanks very much.

But to all success comes a disgrace! It’s sad to think that many or maybe some have called me incriminating tags. It has known to me that one Nursing freshman (a female) told that I was a cheater and that my blockmates too were cheaters– that’s why they’d supposed i and my block4mates landed on the List with flying colors.

But that is a clear distinction of being biased, so to speak. ‘She’ does not even have the adequate and valid evidence if such accusations did exist.

I am not a lawyer, ok? And to worsen the case, the same person added to her statement this pathetic quotation, "Mamatay na sana siya!"

If I should die, I’ll bring you and your malicious intents with me. I’ll see you in hell.
I’m revealing this article to rectify the false allegations against us. In the light of truth, we all have flaws. How much more with our block! We also do the ‘usual stuffs’ but those are not beyond limit. I know she’s guilty with it, too.

Perhaps, all rumours within the walls of Gonzaga about us might have been magnified. Miscommunication– that’s the worst that could happen to a group so bonded together. Pathetically, it’s not Block 4 members who fabricate the miscommunications. But, we won’t let that happen.

We are cleansing ourselves of all these wrong-doings and gossips. You should do the same! We should not talk ill about our fellow just because of the ‘promising’ life after the quota.
To all those who are so gullible, please be aware of the things that concern you. Let’s all be good nurses someday.

Lastly, I leave up all my heartaches here! Let’s just aim to focus on our priorities. Please respect us. And best of all, please respect yourselves.

Good luck!

Silently raging,
—(signed)
Marcel Lawrence Emil M. Agpasa
BSN 1-4 President